^

Metro

RCBC sa Muntilupa, 3 beses nang nahoholdap

-
Aabot sa P.3 milyon ang natangay na cash ng mga holdaper na nanloob sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa Muntinlupa City kamakalawa.

Ito ang pangatlong pagkakataon na nilooban ang naturang bangko at isinasagawa tuwing matatapos ang presidential election.

Ayon kay Senior Supt. Erasto Sanchez, hepe ng Muntinlupa Police, kanilang napag-alaman na tatlong beses nang nahoholdap ang naturang sangay ng bangko na nasa Alabang-Zapote Road sa Brgy. Alabang sa nabanggit na lungsod.

Sa tatlong holdap, iisa ang pattern ng mga suspect. Una itong nilooban noong 1992 kung saan katatapos pa lamang ng presidential election. Ikalawa ay noong 1998 katatapos din ng halalang pampanguluhan at ang ikatlo nga ay kamakalawa.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung sinong grupo ang sumasalakay dito, pero bubusisiin din ng mga awtoridad ang anggulo ng ‘inside job’. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AABOT

ALABANG

ALABANG-ZAPOTE ROAD

AYON

ERASTO SANCHEZ

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE

RIZAL COMMERCIAL BANKING CORP

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with