Balikbayan kritikal sa holdap
June 11, 2004 | 12:00am
Kritikal ang isang balikbayan buhat sa Estados Unidos matapos itong saksakin ng apat na kalalakihang nangholdap sa sinasakyan nitong pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Inoobserbahan sa Fatima Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Reynold Palomata, 24, residente ng 70 Sta. Monica Compound, Balubaran, Malinta ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City police ang dalawa sa mga suspect na nakilalang sina Noel dela Cruz, 26 at Adonis Quitson, 26, habang pinaghahanap pa ang dalawa nilang tumakas na kasamahan.
Ayon sa ulat dakong alas-11:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa panulukan ng Mc. Arthur Highway at M.H. del Pilar St., Valenzuela.
Galing ang biktima sa Monumento at sumakay sa pampasaherong jeep pauwi sa kanilang bahay nang sundan ng dalawang naarestong suspect at makalipas naman ang ilang minuto ay sumunod naman ang dalawa pa.
Ilang sandali pa ay nagdeklara na ng holdap ang mga suspect at kinulimbat ang pera at mga kagamitan ng lahat ng pasahero.
Nabatid na nanlaban ang biktima kung kaya pinagtulungan siyang saksakin ng mga suspect.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang ginawang panghoholdap subalit agad na nasukol ang dalawa sa kanila. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest