Labi ng 3 nasawing OFWs sa Saudi naiuwi na
June 10, 2004 | 12:00am
Magkakasabay na idinating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa pagsalakay at pambibihag ng mga pinaniniwalaang Muslim Extremist sa Al-Khobar, Saudi Arabia noong Mayo 29.
Ang mga selyadong kahon ng mga bangkay nina Mariano Cabasag, 24, ng Ugong, Pasig City; Joelly Giray, 51, ng Makati City at Feliciano Dizon ng Angeles City, Pampanga ay dumating sa bansa lulan ng Gulf Air flight GF 154 mula sa Saudi Arabia dakong alas-12:55 ng tanghali.
Ang tatlong nasawing biktima ay kabilang sa 22 casualty sa naturang pag-atake.
Ipinarating naman ni Pangulong Arroyo sa pamamagitan ni OWWA chief Virgilio Angelo ang pakikiramay sa mga naulilang pamilya.
Samantala, nabatid na matatagalan pa bago makauwi sa Pilipinas sina Marvin Merino, Jimwell Tarosa at Alberto Costales, ang tatlo pa ring OFWs na nakaligtas sa trahedya sa dahilang kasalukuyan pa silang nagpapagaling sa Saad Specialist Hospital, Aston Hospital at King Faahd Hospital.
Tatanggap ng kabuuang P220,000 ang naulila ng mga biktima. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest