Public school, 3 oras na klase kada araw
June 9, 2004 | 12:00am
Mapipilitan ang ilang mga principals sa mga pampublikong paaralan na magsagawa ng tatlong oras lamang na klase sa loob ng isang araw, ito ay dahil sa kakulangan ng mga classroom. Ito ay nagaganap na sa isa sa public school sa Quezon City.
Ayon kay Marivic Panganiban, principal ng Payatas Elementary School sa sobrang dami ng estudyante ay napilitan silang gawing apat na shift at tig-tatlong oras lamang ang klase para magawan ng paraan na maturuan lahat ang kanilang mga estudyante.
Lumalabas na nagsisimula ang unang shift ng klase dakong alas-6 hanggang alas 9-ng umaga, susundan ito ng 9-12, 12-3 at 3-6 ng gabi.
Bukod sa ganitong sistema, nabatid na umaabot sa 78 estudyante ang nagsisiksikan sa mga classroom. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended