^

Metro

Dating opisina ng Petro sa Makati,pinasabugan

-
Sa kabila na naka-double red alert status ang pulisya, nalusutan pa rin sila ng masasamang elemento makaraang pasabugan ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang main office ng Avon Cosmetics Inc. na dating tanggapan ng Petron Philippines, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nagkabasag-basag ang salamin sa mga bintana sa ika-anim at ika-pitong palapag ng Gercon Plaza Building na matatagpuan sa 7901 Makati Avenue, Brgy. Bel-Air ng lungsod.

Sa inisyal na ulat, M-203 grenade launcher ang ginamit ng mga suspect na naganap dakong alas- 3:10 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa ilang saksi, isang kulay puting taxi na walang plaka ang namataan sa intersection ng Paseo de Roxas at Makati Avenue.

Pagtapat ng taxi sa naturang gusali ay doon na pinasabugan ang dating tanggapan ng Petron at saka mabilis na nagsitakas.

Ayon sa pulisya, posible umanong inakala ng mga suspect na ito pa rin ang tanggapan ng Petron Philippines na pinag-oopisinahan na ng Avon Cosmetics Inc.

Posible umanong ang pangha-harash ay may kinalaman sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Matatandaan na noon lamang nakaraang buwan pinasabugan din ang Shell Philippines sa Valero St., Salcedo Village sa Makati City.

Kahalintulad din ang estilo sa isinagawang pagpapasabog sa Petron Philippines.

Kasabay nito, mas hinigpitan ng mga awtoridad ang pagbabantay sa loob at labas ng Pandacan Oil Depot matapos ang pagpapasabog sa Makati. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Danilo Garcia)

AVON COSMETICS INC

AYON

DANILO GARCIA

GERCON PLAZA BUILDING

LORDETH BONILLA

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

PANDACAN OIL DEPOT

PETRON PHILIPPINES

SALCEDO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with