^

Metro

Trike driver tinodas ng mga adik

-
Tadtad ng saksak ang isang binata makaraang maabutan at mapagtripan ng mga addict kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Quirino Memorial Medical Center ang buhay ng biktimang si Marlon Andal, 25, tricycle driver at residente ng 034 Pansol St. Brgy. Pansol, Quezon City matapos na magtamo ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat ni PO3 Romeo Tandas ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa panulukan ng Katipunan Ave. at Pansol St. sa nabanggit na lungsod.

Naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan na sina Joseph at Felipe Dizon at kaibigang si Cesar Baquiran nang bigla na lamang itong harangin ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan na lulan ng tricycle. Dalawa sa mga ito ang bumaba at may dalang patalim.

Dahil sa takot agad na tumakbo ang biktima at tatlo pang kasama nito hanggang sa habulin ito ng mga suspect na sakay ng tricycle.

Minalas na inabutan si Andal at walang sabi-sabing inundayan ito ng saksak ng mga suspect.

Masusi pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CESAR BAQUIRAN

DORIS FRANCHE

FELIPE DIZON

KATIPUNAN AVE

MARLON ANDAL

PANSOL ST.

PANSOL ST. BRGY

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with