Lalaki sinalvage sa Valenzuela City
June 6, 2004 | 12:00am
Isa na namang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuang tadtad ng bala sa ulo at katawan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Ang biktima na nakilala sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa pitaka nito ay si Jose Rodriguez, residente ng Blk. 45, Lot 21, Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan.
Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, dakong alas-8:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa isang madilim na lugar sa Brgy. Bignay ng nasabing lungsod.
Ayon kay Santiago Lumabao, barangay tanod na nakakita sa bangkay ni Rodriguez, isang Lite Ace van na walang plaka ang nakita niyang nagtapon sa biktima at mabilis na tumakas sa hindi mabatid na direksyon.
Sa isinagawa namang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng Northern Police District Office (NPDO), ang biktima ay tinadtad ng bala ng di-mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan, bukod pa sa mga pasa at bukol sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nabatid pa sa pulisya na posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar upang iligaw ang gagawing imbestigasyon ng pulisya.
Isang masusing imbestigasyon sa kasalukuyan ang isinasagawa upang matukoy ang nasa likod ng pagkamatay ng biktima habang nakalagak naman ang bangkay nito sa Valenzuela Funeral Homes para sa mga kaanak na kukuha rito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended