^

Metro

Balasahan sa ant-narcotics unit sisimulan

-
Isang malawakang balasahan ang isasagawa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang police station upang maayos na maipatupad ang mga drug operation sa mga pinaniniwalaang kuta ng mga drug pusher at user kaugnay na rin ng pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ayon kay NCRPO chief Director Ricardo de Leon, mga bagong operatiba ang itatalaga sa mga anti-narcotics unit ng may 37 Station Commander at District Directors upang matiyak na walang mga estudyante ang mabibiktima ng umano’y pambabangketa ng mga pulis.

Sinabi ni de Leon na sinimulan na niya ang implementasyon ng pagsasagawa ng buy-bust operation ng mga pili at lehitimong pulis upang maiwasan ang pambabangketa ng kaso.

Nilinaw ni de Leon na kadalasang isinasagawa ng mga tiwaling pulis ang pambabangketa o pagtatanim ng ebidensiya upang makuhanan ng pera ang isang sibilyan.

Sa bagong regulasyon, ipinaliwanag ni de Leon na magpapalabas ng kasulatan ang miyembro ng 5-man team na magsasagawa ng buy-bust at ilalagay ang pangalan ng kanilang target na pusher o user. Kinailangan na may background investigation at validation sa mga target bago isagawa ang operation at ipinagbabawal na ang "instant target".

Tiniyak ni de Leon na sa bagong regulasyon, mas mabibigyan din ng proteksiyon ang mga estudyante sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila na posibleng kliyente ng mga drug syndicate. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

DIRECTOR RICARDO

DISTRICT DIRECTORS

DORIS FRANCHE

ISANG

KINAILANGAN

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

STATION COMMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with