Umaabot na sa 3,500 ang kabuuang benepisyaryo ng Puhunang Pangkaunlaran ng Sikap Buhay (PPSB) program ng QC sa ilalim ng panunungkulan ni Belmonte. Sa 593 indibidwal na napautang, 433 dito ay mga bagong miyembro na pawang mula sa depressed areas sa District 2 tulad ng Batasan Hills, Commonwealth, Payatas, Sauyo, Pasong Tamo, Bagbag at Fairview.
Sa kabuuang P5 milyon non-collateral loans, P5,000 halaga ang maaaring mautang ng bagong miyembro at P10,000 sa loan renewals.
Ang kabuuang naipautang ay mula sa pondo ng mga member-participants ng National Livelihood Support Fund at sa Cooperative Rural Bank of Bulacan gayundin sa Novaliches Development Cooperative at EuroCredit Cooperative.
Sa kabuuang P5,000 utang, ang isang borrower ay kailangang magbayad ng P246 kada linggo sa loob ng 26 na linggo. (Ulat ni Angie dela Cruz)