2 manufacturer ng shabu sa RP, arestado sa Malaysia
June 5, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng Malaysian Police ang dalawang miyembro ng bigtime drug syndicate na umanoy responsable sa paggawa at pagkakaroon ng shabu laboratory sa Valenzuela at Antipolo na naunang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakailan.
Sa ginanap na press conference, tinukoy ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina ang dalawang dayuhan na sina Lin Tsung Huan, Taiwanese at chemist at Qui Liang alyas Randy Ngo Guevarra, Fil-Chinese at sinasabing nagpatayo ng shabu laboratory na ni-raid sa Valenzuela at Antipolo.
Nadakip ang mga naturang dayuhan na pinaniniwalaang "Ah Dong Partner" sa tulong na rin ng Royal Malaysian Police sa kabila ng kawalan ng extradition treaty dahil ang mga ito ay nahaharap din sa kasong droga sa Malaysian government.
Napag-alaman na ang dalawa ay nasa most wanted list ng Dangerous Drugs Board (DDB)at may patong sa ulo na P500,000.
Inamin ni Lin na siya ang taga-luto ng shabu sa Manila mula pa noong Abril hanggang Mayo 2001 sa kanilang laboratoryo sa Lawang Bato, Valenzuela. Sa katunayan, pareho din ang paraan na kanilang ginagamit sa pagluluto ng sangkap ng shabu sa kanilang pinagtatrabahuhang laboratory sa Manila at Malaysia.
Subalit itinanggi nito na mayroon silang shabu laboratory sa Antipolo.
Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng PDEA, PNP at NBI sa grupong kinaaniban ng mga ito na tinatawag na Qia Yong Dong o Ah Dong Group. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am