^

Metro

Imprentahan ng pekeng diploma, dolyares sinalakay

-
Sinalakay ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)ang isang malaking imprentahan sa tinaguriang ‘University of Recto’ na hindi lang gumagawa ng mga pekeng diploma kundi maging ang paggawa ng mga pekeng dolyar ay pinasok na rin, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Kasabay nito, dinakip din ng mga awtoridad si Catherine Marpili, may-ari ng Top 7 Printing Services sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Sampaloc, Maynila.

Nakumpiska ng mga pulis sa naturang establisimento ang walong piraso ng pekeng US$100 bill, 23 pirasong pekeng tseke ng SSS para sa mga pensyon, 30 pirasong pekeng GSIS check para sa loan, 31 pirasong pekeng tseke ng payroll ng Department of Education, 19 pekeng tseke ng Phil. Veterans Association, 4 na pekeng artist record book, tatlong computer, printer at scanners.

Nabatid na mahigit sa isang buwang surveillance ang isinagawa ng mga awtoridad sa naturang establisimento bago tuluyang isinagawa ang pagsalakay.

Nabatid na ginagawang ‘front’ lang ng sindikato ang pagbebenta ng mga second hand na libro sa kanilang mga ilegal na gawain. (Ulat ni Danilo Garcia)

CATHERINE MARPILI

CLARO M

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

MAYNILA

NABATID

PEKENG

PRINTING SERVICES

RECTO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with