^

Metro

Operatiba ng AIDSOFT binuweltahan ng Tsinoy na hinuli nila sa droga

-
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) matapos silang buweltahan ng isang Fil-Chinese na ikinulong at pinagbintangan ng mga ito na nama-manufacture ng shabu sa Malabon City noong isang taon.

Kabilang sa mga nahaharap sa kasong perjury, robbery, theft at carnapping ay sina Supt. Federico Laciste Jr.; Senior Inspector Pepito Garcia; PO1 Richel Creer; Insp. Joven Trinidad; SPO2 Adolfo de Ramos; PO3’s S. Busa; J. Callora; R. Gregorio; PO2’s R. Pinili; R. Rodriguez; PO1’s R. Creci at A. Nicolas pawang nakatalaga sa CIDG-AIDSOTF at isang Cesar Chua.

Ayon sa salaysay ni Shi Zeng Pang, alyas Stanley Sy, ng 69 White Lily St., Block 15, Lot 4, Victoneta North Subd., Potrero, Malabon City na nilusob ang kanyang bahay ng mga naturang operatiba noong Agosto 16, 2003.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon RTC Branch 169.

Nabatid na nakuhanan si Sy ng 10 tableta ng Diazepam na mas kilala sa tawag na valium na ayon kay Sy ay hindi sa kanya nanggaling at base naman kay Judge Benjamin Antonio (nagdismis ng kaso laban sa Tsinoy) ito ay isang regulated drugs at hindi prohibited drugs.

Bukod sa bahay ni Sy ay nilusob din ng operatiba ang pagawaan ng biktima ng siopao at siomai na sinasabi ng mga ito na shabu lab ngunit wala namang nakuha ang mga ito na kemikal na inihahalo sa shabu.

Sinabi ni Sy sa kanyang sinumpaang salaysay na kinuha ng raiding team ang kanyang Honda Civic at Mitsubishi Delica van, 10 jade pendants, tseke na umaabot sa halagang P600,000 at iba pang mahahalagang papeles at kagamitan.

Binanggit pa nito, na matapos siyang posasan ay nilagyan pa siya ng plastic bag sa mukha dahilan upang mahirapan siyang huminga, bukod pa sa suntok at sipa na kanyang inabot sa mga awtoridad.

Hindi rin umano siya binigyan ng mga awtoridad ng pagkakataon na makatawag sa kanyang pamilya kung kaya’t lumipas ang ilang araw bago siya natunton ng mga ito.

Matapos namang mapatunayan sa korte na walang basehan ang pagkaaresto kay Sy ay agad na ipinag-utos ni Judge Antonio ang pagpapalaya dito na nakulong ng walong buwan at pitong araw. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CESAR CHUA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

FEDERICO LACISTE JR.

HONDA CIVIC

JOVEN TRINIDAD

JUDGE ANTONIO

MALABON CITY

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with