Napagtripan ng addict: 1 patay,2 kritikal
June 2, 2004 | 12:00am
Namatay ang isang 30-anyos na lalaki habang sugatan naman ang dalawa pa nitong kaibigan matapos mapagtripang barilin ng tatlong bangag na kalalakihan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Dahil sa tama ng bala ng sumpak sa dibdib, dead-on-the-spot ang biktimang si Jessie Degran, ng #115 JP Rizal St., Sta. Lucia, Novaliches.
Inoobserbahan naman ngayon sa Fairview General Hospital ang mga sugatang biktima na sina Deojenis Plasang, 43, pintor, nagtamo ng saksak sa kanang tagiliran at Robert Pino, 24, nagtamo naman ng dalawang saksak sa dibdib.
Sa report ng pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Real St., malapit sa Mitsubishi Service Center sa Phase 8, Novaliches, Quezon City.
Nabatid na papauwi na ang tatlong biktima nang biglang hinarang ng tatlong suspect na armado ng sumpak at patalim.
Matapos na paputukan ang isa sa biktima ay pinagsasaksak naman ng mga suspect ang dalawang kasama nito at mabilis na tumakas pagkatapos. Hinihinala ng pulisya na posibleng may inaabangan na kalaban ang grupo at napagdiskitahan lamang ang tatlong biktima. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended