Sa ulat, dakong alas-5:10 ng madaling-araw nang mag-umpisang masunog ang budget department ng Malabon City hall.
Dahil may kalumaan na ang city hall ay agad na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang personnel department.
Bagamat katabi lamang ng city hall ang fire department ay hindi agad naapula ang apoy dahil sa mabilis na pagkalat nito at nakontrol lamang dakong alas-6:58 ng umaga.
Base sa inisyal na pagsisiyasat faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang iba pang dahilan ng pagkasunog.
Ilang kritiko naman ng kasalukuyang namamahala sa lungsod ang nagsabing sinadya ang pagkasunog upang maitago ang mga katiwaliang naganap habang nakapuwesto ito matapos na masuspinde si Malabon City Mayor Amado "Boy" Vicencio noong Setyembre 24, 2003. (Ulat ni Rose Tamayo)