Truck bomb gagamitin sa MM ng mga terorista
June 2, 2004 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Ricardo de Leon na truck bomb ang posibleng gamitin ng mga terorista sa paghahasik ng karahasan sa Metro Manila.
Sinabi ni de Leon na ito ang nakarating sa kanyang ulat buhat sa intelligence community kasabay nang pagsasabing patuloy pa rin ang ginagawang pagmo-monitor ng pulisya ukol sa galaw ng mga terorista sa bansa.
Ayon sa ulat, ipansasalakay ang naturang truck bomb sa mga strategic at economic key points sa Metro Manila.
Binanggit pa sa ulat na dalawang truck bomb pa lamang ang namamataan, ito ay Elf size delivery van ng isang kompanya ng ice cream. Naglalaman ito ng anim na drum na puno ng pulbura at siyang gagamitin sa pagpapasabog. Huling namataan ang truck sa may Gen. Mariano Trias sa Cavite at naghahanda umanong pumasok sa Metro Manila.
Kaugnay nito, inilagay ng PNP-Aviation Security Group sa pinakamataas na alert level ang buong puwersa nito sa Ninoy Aquino International Airport kaugnay ng napabalitang gagamit ng truck o car bomb ang mga Muslim extremist upang maghasik ng lagim sa Metro Manila.
Mahigpit ang ginagawang pagrikisa ng mga awtoridad sa lahat ng mga sasakyang pumapasok sa bisinidad ng Terminal 1, Centennial Terminal 2 at pati na din sa Manila Domestic Airport (MDA).
Naglagay din ng karagdagang pulis sa paligid ng oil depot na malapit sa runway ng airport upang mapigil ang pagpasok ng mga hindi awtorisadong sasakyan.
Ipinatutupad din ang No sticker, No entry policy sa lahat ng mga sasakyang pumapasok sa rampa at mga customs bonded warehouse sa airport.
Base sa intelligence report na nakalap ng PNP posibleng maulit ang malagim na insidente na nangyari noong Disyembre 30, 2000 kung saan nagkaroon ng limang halos magkakasabay na pagsabog sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila na ikinasawi ng mahigit 50 sibilyan at ikinasugat naman ng mahigit sa isang- daan katao.
Cellphone ang sinasabing ginamit noon ng mga terorista sa kanilang pagpapasabog, subalit base sa nakalap na ulat ngayon truck o kotse na may lamang bomba ang posibleng gamitin sa pagpapasabog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 16, 2024 - 12:00am