Mag-asawa, 1 pa timbog sa mga pekeng pera
June 1, 2004 | 12:00am
Umaabot sa P600,000 halaga ng mga pekeng pera ang nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa Valenzuela City kung saan nadakip ang tatlong miyembro ng sindikato na kinabibilangan ng mag-asawa at isa pa noong Sabado.
Nakilala ang mga nadakip na sina Rolando Pedrejas, alyas Eduardo, ang asawa nitong si Arlene at isang Rodolfo Jabiguero, 47, pawang residente ng 1206 Brgy. Bitik Gen. T. de Leon, Valenzuela City.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga tauhan ng NBI-Fraud and Computer Crimes Division (AFCCD) ang tinitirhan ng mga suspect at isa pang bahay sa 1255 Tamaraw Hills, Marulas, Valenzuela matapos magharap ng reklamo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ni-raid ang bahay ng mga suspect sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Floro Alejo, ng Valenzuela RTC Branch 172 kung saan nakumpiska ang bulto-bultong mga banig ng pekeng pera, dalawang computer set at paraphernalia sa pag-iimprenta ng mga pekeng pera.
Naaktuhan sa loob ng bahay ang mag-asawang Rolando at Arlene na inaresto ng mga ahente ng NBI.
Kasunod namang inaresto si Jabiguero.
Ayon kay Atty. Efren Meneses, nasa denominasyon ng P500, P100 at maging ang bagong bill ng BSP na P200 ang mga nakumpiska nilang mga pekeng pera. Posible umanong nakakalat na sa ibat ibang lugar ang naturang pekeng pera dahil sa may isang buwan na umano ang operasyon ng mga suspect.
Ipinaliwanag nito na halos wala nang pagkakaiba sa orihinal na pera ang mga pekeng nakumpiska dahil sa malinis na kopya ng itsura nito at meron ring security code sa loob.
Ang tanging diprensiya lamang umano ay makinis ang pekeng pera habang mas magaspang naman ang orihinal.
Unang iniimprenta sa pamamagitan ng computer ang mga pera at saka ginagamitan ng mga paraphernalia tulad ng Ultraviolet Rays para magkaroon ng serial number at security code.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest