^

Metro

Pagsibak sa PNP official, inangalan

-
Mariing binatikos ng ilang opisyal at kapulisan sa Makati City ang hindi makatarungang desisyon laban sa isang police colonel na tinanggal sa puwesto matapos na ibunyag at isumbong sa kanyang hepe ang ginawang pagre-recyle umano ng shabu ng dating hepe ng Drug Enforcement Unit nito.

Si Supt. Jose Ramon Salido ay tinanggal bilang hepe ng Criminal Investigation Unit batay na rin sa nilagdaang Station Order ni P/Supt. Victor Loares, chief ng Administration Section alinsunod na rin sa direktiba ni Souther Police District director Chief Supt. Prospero Noble kay Makati City Police chief Sr. Supt. Jovito Gutierrez.

Sinibak si Salido dahil sa ibinunyag at isinumbong nito kay Gutierrez na nagre-recycle ng shabu ang dating hepe ng DEU na si SPO4 Arsenio Mangulabnan. Ito’y batay naman sa reklamo ni Rosalie Geronimo isang dating "tulak" ni Mangulabnan at ngayo’y nakakulong sa Makati City Jail.

Ayon sa ilang police official, hindi makatarungan ang desisyon ni Noble sa pagtatanggal kay Salido at posibleng mapawalang sala pa si Mangulabnan sa kabila ng pagkakasangkot nito sa droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ADMINISTRATION SECTION

ARSENIO MANGULABNAN

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DRUG ENFORCEMENT UNIT

JOSE RAMON SALIDO

JOVITO GUTIERREZ

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY JAIL

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with