Pulis kritikal sa 'Agaw-armas"
May 30, 2004 | 12:00am
Kritikal ang isang pulis matapos na barilin sa mukha ng isang hindi nakikilalang miyembro ng Agaw-Armas Gang makaraang manlaban ang una nang agawan ng baril, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng mukha si PO3 Joselito Balagtas, 36, nakatalaga sa Sub-Station 2 ng Caloocan City Police at residente ng Pilar St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Alley Road, 7th Avenue ng nasabing lungsod.
Ayon sa mga saksi, nag-aabang ng masasakyang jeep ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan ito ng di-kilalang suspect na armado ng baril.
Agad na tinutukan ng suspect ang biktima at mabilis na kinuha ang service pistol ng huli at nang akmang tatakas na ang una ay nanlaban ang pulis dahilan upang paputukan siya ng baril sa mukha.
Mabilis na tumakas ang suspect nang makitang duguang humandusay ang biktima.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa ikadarakip ng suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am