Discount sa pasahe ng mga estudyante,senior citizen tututukan
May 27, 2004 | 12:00am
Dahil nalalapit na ang pasukan, tututukan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang usapin ng pagkakaloob ng discount ng mga pampasaherong jeep at bus para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga senior citizens.
Ito ang tiniyak kahapon nina LTO Chief Anneli Lontoc at LTFRB Chairperson Ellen Bautista matapos makatanggap ng report na wala namang naibibigay na diskuwento ang mga jeep at bus sa mga estudyante at matatandang pasahero.
Kasabay nito, binalaan ni Bautista ang mga operators ng mga pampasaherong sasakyan na malamang na kanselahin ng ahensya ang franchise ng jeep at bus kung sakaling mapapatunayan sa mga reklamo na hindi nagbibigay ng discount.
Kaugnay nito, binuksan ng LTO at ng LTFRB ang pintuan upang tumanggap ng mga sumbong at reklamo kaugnay ng nabanggit na isyu. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended