7 'tulak' timbog: P 1M shabu nasamsam
May 26, 2004 | 12:00am
Tinatayang aabot sa isang milyong halaga ng shabu ang nasamsam, habang pitong tulak naman ang naaresto sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ang mga nadakip na sina Francis Hernandez, 50; Allan Reyes, 38; Edwin Quitoriano, 38; Nieve Batangoso, 23; Usop Solomon, 37; Ismael Soliman, 35; at Maricel Aborda, 20.
Sa ulat ng pulisya, unang naaresto ang suspect na si Hernandez sa Baclaran, Parañaque na dito nakumpiska ang limang plastic sachet ng shabu.
Sumunod na nadakip sina Reyes at Quitoriano sa San Isidro, Parañaque City kung saan nabawi mula sa mga ito ang walong malaking plastic sachet ng shabu na may timbang na 150 gramo.
Sunod-sunod nang naaresto ang iba pa sa mga suspect. Umaabot sa 480 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga nadakip na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong piso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended