Jeep inararo ng shuttle bus: 4 patay
May 25, 2004 | 12:00am
Apat katao ang nasawi at labing-isa pa ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng isang shuttle bus ang isang pampasaherong jeep sa South Luzon Expressway sa boundary ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna kahapon ng umaga.
Nasawi noon din ang mga biktimang nakilalang sina Roberto Poot, 46, ng Quezon City; Romulo Ramones, 50; Edwin Lalong Isip, 15; at isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Mabilis namang isinugod sa ibat ibang pagamutan ang mga sugatan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Elmer Pascual ng Traffic Management Group, naganap ang trahedya dakong alas-5:30 ng umaga sa kahabaan ng SLEX sa boundary ng San Pedro at Muntinlupa.
Nabatid na ang pampasaherong jeep ay galing sa Novaliches, Quezon City at ang shuttle bus naman ay galing sa Las Piñas City at parehong patungo sa Batangas.
Lulan sa shuttle bus ang mga kawani ng American Standard.
Ayon pa sa ulat, nag-over take ang bus sa isang sasakyan at hindi akalin ng driver na si Olympio Cornelio na nasa unahan ang nabanggit na jeep.
Dahil dito, nabangga ng shuttle bus ang jeep na nagresulta nga sa pagkasawi ng apat katao. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended