Mag-amo kinatay sa QC
May 25, 2004 | 12:00am
Hinihinalang atraso ang motibo sa pagpaslang sa isang binatang negosyante at katulong nito na natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling- araw.
Nakilala ang mga biktima na sina Samuel Allan Sy, 26, at ang katulong na si Vilma Seruela na sinakal ng telephone wire.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang matuklasan ang naganap na krimen sa #1 Apajap St., Cadaing Village, Brgy. Talipapa sa Quezon City.
Batay sa salaysay ni Amandi Sy, ama ni Samuel na nakasanayan na niyang gumising ng ganoong oras kung saan una niyang nakita ang bangkay ng katulong nilang si Seruela na nakahandusay sa sofa at may nakapulupot na telephone cord sa leeg.
Dahil dito, dali-dali niyang tinungo ang silid ng kanyang anak kung saan nakita niyang nakahandusay at duguan ito. Tinali rin ang dalawang kamay nito.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para mabatid ang tunay ng motibo sa pagpaslang.
Malaki ang hinala ng pulisya na atraso ang tunay na dahilan sa pagpaslang sa batang Sy at nadamay lamang ang katulong nito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended