Hepe ng presinto nagpaliwanag sa isyu ng bank robbery
May 24, 2004 | 12:00am
Nagresponde si Chief Inspector Teofilo Javier, hepe ng PCP-2 ng CPD-Baler Station sa holdapan sa Bank of Commerce sa West Ave. Quezon City.
Ito ang nabatid kay Supt. Jose Mario Espino, hepe ng CPD-Baler Station matapos na magsumite ng report si Javier sa kanya na nagpapaliwanag hinggil sa napaulat na hindi nito pagresponde sa panghoholdap sa nasabing bangko ng mga remnants ng ibat ibang sindikato.
Batay sa report, nagresponde sa insidente si Javier matapos siyang magsagawa ng check point sa Roosevelt Ave. kasama ang dalawa nitong tauhan.
Nagawa ding radyuhan ni Javier ang iba pang puwersa ng Central Police District kung kayat mabilis na dumating ang SWAT at ang iba pang pulis.
Ayon kay Espino, nagkita at nagkasama sila ni Javier nang magresponde sa insidente kasama ng iba pang mga pulis subalit isinagawa lamang ang panghoholdap sa loob lamang ng limang minuto. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am