Grupong manggugulo sa bilangan bubuwagin
May 24, 2004 | 12:00am
Bubuwagin ng ipinakalat na mga anti-riot team ng Philippine National Police (PNP) ang anumang grupo na gagawa ng gulo sa isasagawang bilangan ng Kongreso sa pagsisimula ng bilangan sa boto ng presidente, bise presidente at partylist.
Ayon kay Chief Supt. Joel Goltiao, Spokesman ng PNP, susupilin nila ang sinumang maghahasik ng kaguluhan sa bilangan ng mga boto sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.
Nabatid na may 600 pulis mula sa Civil Disturbance Management ang mahigpit na magbabantay sa palibot at malapit sa lugar ng Kongreso.
Mananatili aniya ang heigthened alert status ng National Capital Regional Police Office habang isinasagawa ang canvassing.
Nilinaw din ni Goltiao na mahigpit pa ring ipatutupad ang " no permit, no policy" dito kasabay ng naka-standby din ang puwersa ng CDM units mula sa Central Luzon Police Office at Calabarzon area para sa karagdagang deployment sakaling sumiklab ang gulo.
Ang mga anti-riot police ay ipakakalat sa lugar ng Commonwealth Ave.; Litex Area sa Fairview at sa hangganan ng San Mateo.
Samantala, tiniyak naman ni CPD director Chief Supt. Napoleon Castro na babantayan din nila ang daloy ng trapiko bunsod ng protesta ng ibat ibang cause oriented groups at mga party list representatives.
Ayon kay Castro, itoy upang hindi naman maabala ang mga motorista na manggagaling at patungong Fairview. (Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 21, 2026 - 12:00am