Ayon kay Dr. Luningning Villa, officer in charge (OIC) ng National Epidemiologist Center (NEC) ng DOH, ngayong panahon ng tag-ulan ay muling susulpot ang ibat ibang nakakahawang sakit dulot ng maruming tubig baha at pag-iiba ng klema.
Sinabi pa ni Dr. Villa na dahil sa umuulan kapag nasa labas ang mga tao ay sumisilong ang mga ito kayat madaling mahawa ng sakit ang sinuman kung saan karaniwan dito ang ubo, sipon at lagnat na karaniwang madaling kapitan ay iyong mga bata at matatanda tulad ng influenza o respiratory at viral diseases.
Pinag-iingat din ng DOH ang publiko sa mga water borne diseases tulad ng leptospirosis na nakukuha mula sa ihi ng daga na nahalo sa tubig baha na ang madali namang dapuan ay yaong mga taong may mga sugat.
Nangangamba rin ang DOH na muling tumaas ang insidente ng dengue dahilan sa pagkaka-stock ng tubig-ulan sa mga flower base, gulong ng sasakyan, mga water container at sa mga alulod ng bahay kung saan nangingitlog ang mga lamok o aedes egypti.
Bunsod nito kung kayat nanawagan ang DOH sa publiko na maging maingat lalo na nga sa panahong ito ng tag-ulan. (Gemma Amargo)