Inmate sa Makati City Jail tinatakot ng pulis
May 21, 2004 | 12:00am
Tinatakot umano ng mga tauhan ng hepe ng Drug Enforcement Unit ng Makati City Police ang isang inmate na babae sa Makati City Jail upang pigilin ito na ibunyag ang umanoy pagkakasangkot ng una sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay Rosalie "Betcha" Geronimo, 28, nahaharap sa kasong drug pushing, kinausap siya ng dalawang tauhan ni SPO4 Arsenio Mangulabnan, hepe ng Makati City Police-DEU kung saan ang isa dito ay nakilalang si PO3 Eric Ebia kasama ang isa pang pulis.
Sinabi ni Geronimo na nagtungo sa kanya kahapon sina Ebia at isa pang pulis upang pagbantaan sa kanyang pagbubunyag laban kay Mangulabnan sa usapin ng droga.
Kinondena naman ng mga mamamahayag ang pagtrato ng mga jailguard ng Makati City Jail sa kanila nang magtungo doon upang kapanayamin si Geronimo.
Nabatid sa mga reporter na agad na pinapasok ng mga jailguard sina Ebia habang sila ay dumadaan sa inspeksiyon.
Nagulat din sila nang may jailguard na nagsabi ng " nandito na ang mga reporter", at biglang dumating sina Ebia at kinausap si Geronimo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest