^

Metro

Chairman ng borad of canvassers sa Valenzuela,inatake, patay

-
Nasawi ang chairman ng city board of canvassers ng Commission on Elections (Comelec) sa Valenzuela City matapos itong atakihin sa puso dahil sa umano’y sobrang pressure at pagod nang mag-file ang isang kandidato sa pagka-alkalde ng petisyon laban sa una at mga tauhan nito.

Si Mohammad Hassan, nasa hustong gulang, pansamantalang naninirahan sa Quezon City ay inatake sa puso habang nagpapahinga sa bahay ng kapatid nito at hindi na umabot ng buhay sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital.

Napag-alaman na si Hassan ay nagmula sa bayan ng Masbate bilang election officer bago ito inilipat sa Valenzuela City noong Mayo 11, 2004 bago magsimula ang canvassing sa lungsod.

Ayon pa sa mga staff ni Hassan, dakong alas-9:45 kamakalawa ng gabi ay maayos pang naiproklama ni Hassan ang mga nagwaging congressman na sina incumbent mayor Emmanuel "Bobbit" Carlos laban kina Rex Gatchalian at Romeo Bularan ng unang distrito habang si Antonio Serapio naman ang nanalo sa ikalawang distrito kina Sonny Tiquia at Pablo Lucas.

Nagkaroon naman ng problema sa pagpoproklama sa nanalong alkalde ng lungsod matapos na magsampa ng petisyon si Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) mayoralty bet Magtanggol "Maggi" Gunigundo ng petisyon laban kay Hassan dahil umano sa mga depektibong election returns. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANTONIO SERAPIO

DEMOKRATIKONG PILIPINO

HASSAN

PABLO LUCAS

QUEZON CITY

REX GATCHALIAN

ROMEO BULARAN

ROSE TAMAYO

SI MOHAMMAD HASSAN

SONNY TIQUIA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with