Pinay sa Lebanon pinatay ng amo - NBI
May 20, 2004 | 12:00am
Lumabas sa isinagawang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) na sinadyang patayin ng kanyang amo ang Pinay na domestic helper, taliwas sa unang ulat na nalaglag ito sa gusali sa Lebanon.
Ayon kay NBI medico legal Alvin David, nagtamo ng pamumuo ng dugo sa ulo, bukod pa sa mga pasa at galos sa ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa sadyang pagpatay sa pamamagitan ng pagpalo sa ulo sa biktimang si Katherine Bautista, 22, tubong Barangay Caloocan Sur, Binmaley, Pangasinan.
Sinabi nito na kabaligtaran ito sa ulat ng pathologist ng Lebanon na namatay ang biktima sa pagkabagok ng ulo sa semento at hindi rin nito nabanggit sa ulat na meron itong mga pasa at galos sa katawan.
Nanawagan naman kay Pangulong Arroyo ang ama ng biktima na si Roberto na pabalikin sa bansa si Jojo Sunga ng Phil. Embassy sa Lebanon at papanagutin sa pagkamatay ng kanyang anak.
Ayon pa sa ama ng biktima na bago mamatay ang kanyang anak ay nag-text pa ito sa kanila sa ginagawang pagmamaltrato ng among lalaki. Mismong ang among babae naman ang nagtakas sa biktima kung saan inihatid pa ito sa Phil. Embassy.
Sa halip na saklolohan pinabalik pa umano ni Sunga si Bautista sa kanyang amo kaya lalo itong pinagmalupitan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended