Holdaper timbog sa driver na pulis
May 20, 2004 | 12:00am
Arestado ang isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa isang pampasaherong jeep na minamaneho ng isang pulis, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Joner Dacquigan, 18, residente ng Kasiglahan Village Rodriguez, Rizal na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang hita makaraang mabaril ni SPO1 Jonathan Flores, 46, pulis-QC at nakadestino sa Mobile Patrol Unit sa Camp Karingal na siyang nagmamaneho sa hinoldap na jeep.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi nang magpanggap na pasahero ang tatlong suspect sa jeep na minamaneho ni Flores.
Pagdating ng jeep sa madilim na lugar sa kahabaan ng Marcos Hi-way sa Barangay Barangka sa Marikina ay naglabas ang mga ito ng patalim at nagdeklara ng holdap. Mabilis na nilimas ng mga ito ang mga gamit at alahas ng mga pasahero, subalit isang pasaherong babae ang ayaw ibigay ang kanyang bag kung kaya nagkaroon ng komosyon sa loob ng jeep na sinamantala ni Flores sabay kuha sa kanyang service firearms at itinutok sa mga holdaper.
Imbes na sumuko ay nanlaban pa ang mga ito kay Flores kung kaya napilitan ang pulis na paputukan ito kung saan tinamaan ang isa sa mga suspect na si Dacquigan. Nang makita naman ng dalawa na duguan ang kanilang kasama ay mabilis na nagsitakas ang mga ito.
Patuloy pa rin ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng dalawa pang suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended