Mayor SB,Bistek prinoklama na sa QC
May 19, 2004 | 12:00am
Pormal nang prinoklama ng Commission on Elections (Comelec) si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Vice Mayor Herbert Bautista bilang nanalong kandidato sa nakaraang halalan.
Ginanap ang proklamasyon sa Albert Session Hall ng QC Board of Canvasser sa pangunguna ni Atty. Ma. Aleta Alarkon.
Ayon kay Belmonte, sa muli niyang pagkakahalal, titiyakin niyang doble ang ibibigay niyang pagbabago sa lungsod, partikular na sa mga residente rito upang makamit ang kanilang minimithing "QC: A Quality Community".
Nagpapasalamat din si Belmonte sa mga residente na nagbigay ng kanilang suporta upang muling pamunuan ang lungsod kasabay ng pahayag na hindi niya bibiguin ang mga ito. Nabatid na ang muling pagkakapanalo ni Belmonte ay bunsod na rin sa track record nito bilang alkalde ng lungsod matapos nitong ipakita ang ibat ibang livelihood projects, pagtataas ng sistema ng edukasyon, pagsasaalang-alang sa kalusugan ng bawat mamamayan sa Quezon City at ang development ng mga daan sa lungsod.
Samantala, sinabi naman ni Bautista na handa naman siyang tulungan si Belmonte upang muling mapiling no. 1 na lungsod ang Quezon City. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended