Nag-amok na sundalo kritikal
May 17, 2004 | 12:00am
Kritikal ngayon sa pagamutan ang isang sundalo makaraang mag-amok ito at hampasin ng malaking bato ng isang di-kilalang bystander, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Ang biktima na patuloy pang inoobserbahan sa Mandaluyong City Medical Center sanhi ng pamumuo ng dugo sa ulo ay kinilalang si Philippine Marines Staff Sgt, Samuel Sereneo, residente ng Blk. 37, Welferville Compound, Brgy. Addition Hills, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 malapit sa bahay ng biktima.
Nabatid na bago nangyari ang insidente ay unang nagkaroon ng pagtatalo hinggil sa hindi mabatid na bagay sa pagitan ng biktima at mga kainuman nitong kapitbahay.
Dahil dito ay nagpasya ang ilan sa mga kainuman ng biktima na itigil na lamang ang kanilang inuman kung saan ay biglang umalis ang biktima at nang magbalik ito ay may bitbit na itong patalim at iwinasiwas sa sinumang makasalubong nito.
Ayon sa mga saksi, bigla na lamang umanong may pumukpok ng bato sa ulo ng biktima dahilan upang mawalan ito ng ulirat at bumagsak sa kalsada, habang ang di-kilalang suspect naman ay mabilis na tumakas sa di-mabatid na direksyon. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest