Nakakuha ng 50,702 votes si Oreta laban kay Malabon City acting mayor Mark Allan Jay Yambao na kumuha lamang ng 40,612 votes, habang pumangatlo naman si Jeannie Sandoval.
Iprinoklama rin ng COMELEC ang anak ni dating Malabon City Mayor Amado "Boy" Vicencio na si Arnold Vicencio matapos na makakuha ito ng malaking lamang ng boto sa pwesto ng pagka-vice-mayor laban kina Alfredo Tanchangco at Benjamin Galauran.
Si Malabon-Navotas incumbent Representative Ricky Sandoval naman na mister ni Jeannie Sandoval ay pormal na iprinoklama ng COMELEC kamakalawa ng gabi bilang muling kinatawan ng Malabon-Navotas nang walang kaabug-abog na pinakain nito ng alikabok si Independent candidate Cip Lacson.
Si Luis "Baby" Asistio naman ay iprinoklama rin ng COMELEC kamakalawa ng gabi bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Caloocan.
Samantala, sa Southern Metro Manila area naman ay pormal nang iprinoklama kahapon ng COMELEC si incumbent Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi makaraang makalikom ito ng 82,184 votes na lumamang ng mahigit sa 20,904 sa kanyang kalabang si Elizabeth Masangkay na nakakuha lamang ng 61,280 votes.
Kasama sa iprinoklama ang re-electionist na si Muntinlupa incumbent Representative Rufino "Ruffy" Bianzon at Aldrin San Pedro na nanalo naman laban kay Jo Jason Alcaraz sa halalan sa pagka-vice-mayor ng Muntinlupa City.
Pormal ring iprinoklama ng COMELEC bilang bagong halal na alkalde ng Paranaque City si incumbent vice-mayor Florencio Bernabe at ang bagong halal at nanalo sa pagka-vice-mayor ng nasabing lugar ang actor na si Anjo Yllana. (Ulat nina Rose Tamayo at Lordeth Bonilla)