2 pulis-Maynila na napatay nasa Role of Heroes
May 17, 2004 | 12:00am
Isasama sa "Roll of Heroes" sa stone marker ng Western Police District (WPD) ang dalawang pulis na nakipagbarilan at nasawi sa mga holdaper, kamakailan sa Sta. Cruz, Manila.
Ang naturang hakbang ay matapos madiskubre ng pamunuan ng WPD ang magiting na pagresponde at pagbuwis ng buhay ng nabanggit na mga pulis na sina SPO2 Richard Roxas at PO2 Ronio Napolis, kapwa nakatalaga sa WPD-Police Mobile Patrol sa isang insidente ng holdapan sa isang pawnshop sa Sta, Cruz, Manila noong nakaraang Huwebes.
Ayon kay WPD Director, C/Supt. Pedro Bulaong, na bibigyan rin ng "posthumous awards" sina Roxas at Napolis dahil sa ipinakitang kagitingan ng mga ito.
Nabatid na maisasama ang mga pangalan nina Roxas at Napolis sa mga pangalan ng pulis na nakaukit sa stone marker na makikita sa tapat ng WPD headquarters na itinuturing na nasawing mga bayani mula pa noong Metropolitan Police District pa ito.
Matatandaan na buong tapang na nakipagbarilan sina Roxas at Napolis sa di-mabatid na bilang ng mga holdaper na pawang sakay ng dalawang sasakyan noong Huwebes makaraang holdapin ng mga suspect ang isang pawnshop sa Sta. Cruz, Manila.
Napag-alaman na natangay ng mga suspect ang P10 milyon salapi mula sa pawnshop, habang isa sa mga ito ang iniulat na nasugatan makaraang tamaan ng bala ng baril nina Roxas at Napolis.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na resulta sa isinagawang imbestigasyon ng WPD hinggil sa nasabing insidente, habang inaasahan naman na maaaresto ng mga ito sa loob ng linggong ito ang ilan sa mga suspect.
Base sa nakalap na intelligence report ng pulisya, posible umanong mga dating sundalo buhat sa Mindanao ang mga supect na pumasok sa panghoholdap at ilan pang mga iligal na aktibidadis.
Pinapurihan rin ni Ntional Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Ricardo De Leon sina Roxas at Napolis kung saan sinabi nito na nararapat na maging ehemplo ang mga ito ng mga pulis sa Metro Manila sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa bansa,
Sa kasalukuyan ay ginagalugad na ng mga kagawad ng NCRPO ang posibleng pagtaguan ng mga suspect at inaalam na rin kung may kaugnayan ang mga ito sa ibang mga kilalang sindikato na matagal ng kumikilos sa Metro Manila at mga karatig lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended