^

Metro

Anak ng BID official sabit sa rape-slay ng bank employee

-
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang pangunahing suspect sa pagpatay at panggagahasa sa isang empleyada ng Metrobank matapos na ituro ng kanyang kasabwat na unang nadakip ng pulisya sa Malate, Maynila.

Itinuro ng nadakip na si Phillipe Marcelo, 21, Hotel and Restaurant Management student sa Phil. Women’s University (PWU) ang pangunahing suspect na si Babes Reyes, na residente rin sa Vellagio Tower sa Pres. Quirino Avenue, Malate.

Nabatid na si Reyes ay anak ni Bureau of Immigration and Deportation (BID) intelligence chief Benjamin Reyes.

Ayon kay Senior Inspector Dominador Arevalo, hepe ng WPD Homicide Division, nadakip si Marcelo matapos na ituro ng security guard ng Vellagio Tower na isa sa mga sangkot sa brutal na pagpaslang kay Candise Castro, 23, empleyada ng Metrobank-Quirino Avenue Branch na natagpuang hubo’t-hubad at may nakapasak pang handle ng mop sa ari sa loob ng tinutuluyan nitong kuwarto sa Room 1103 ng nabanggit na condominium kamakailan.

Sa interogasyon ng pulisya, inamin ni Marcelo na kasama nga siya nang maganap ang krimen ngunit hindi siya ang gumahasa at pumatay kay Castro kundi si Reyes.

Sinabi ni Marcelo na nag-iinuman umano sila ni Reyes sa loob ng kanyang condo unit sa Room 604 sa naturang gusali nang tanungin siya ni Reyes kung kilala niya si Castro.

Nagpasama pa umano ito sa kanya sa kuwarto ni Castro upang makipagkilala.

Pagkabukas pa lamang ng biktima ng pinto ay agad na itong isinalya ni Reyes at saka hinubaran. Nasaksihan din niya ang ginawang panggagahasa at pagpaslang ni Reyes sa biktima.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya si Reyes, habang inihahanda na ang kaso sa kanila ni Marcelo. (Ulat ni Danilo Garcia)
vuukle comment

BABES REYES

BENJAMIN REYES

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CANDISE CASTRO

DANILO GARCIA

HOMICIDE DIVISION

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

MARCELO

METROBANK-QUIRINO AVENUE BRANCH

REYES

VELLAGIO TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with