^

Metro

Mga nanalong kandidato sa Metro Manila, prinoklama na

-
Ilang mga local officials sa Kalakhang Maynila partikular sa Southern Metro Manila area na pawang mga nanalo sa ginanap na May 10 elections ang iprinoklama na ng Commission on Election (Comelec), kamakalawa ng gabi at kahapon.

Dakong alas-11:50 ng gabi prinoklama na ng Comelec si Makati City Mayor Jejomar Binay, Congressman Teodoro Locsin ng unang distrito at Congressman Agapito "Butch" Aquino naman ng ikalawang distrito sa nabanggit na lungsod.

Halos kasabay din prinoklama ng Comelec si incumbent Pateros Mayor Rosendo T. Capco sa Pateros Municipal Hall.

Nabatid na wala pang proklamasyon sa pagka- congressman dahil bukod sa Pateros nasasakupan din nito ang bayan ng Taguig na hindi pa tapos doon ang bilangan.

Kahapon, prinoklama na rin sina Imelda Aquilar, maybahay ni incumbent Mayor Vergel "Nene" Aguilar bilang alkalde ng Las Piñas at incumbent Rep. Cynthia Villar.

Inaasahan namang sa Lunes ipoproklama na rin sina incumbent Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi sa pagka-Mayor at incumbent Congressman Ruffy Biazon sa pagka-kongresista.

Sa area naman ng Pasay at Parañaque City wala pa ring proklamasyon dahil sa nagaganap na tensyon sa magkabilang panig ng mga mayoralty candidate. (Ulat ni Lordeth Bonilla)
Sa Eastern Area
Samantala, iprinoklama na rin sina Marikina City incumbent Mayor Ma. Lourdes Fernando at San Juan Mayor Jose Victor Ejercito makaraang tambakan ng mga ito ang kanilang pinakamalapit na kalaban sa nakaraang eleksyon.

Batay sa opisyal na tabulation ng Comelec, si Fernando, maybahay ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ay nakakuha ng 105,070 votes laban kay dating aktor Sonny Parson na nakakuha lang ng 37,882 boto.

Sa San Juan naman ay nag-proclamation rally na ang kampo ni Jose Victor Ejercito kamakalawa ng gabi matapos bilangin ng Comelec ang kanilang tally.

Si Ejercito ay nakakuha ng 41,185 laban sa pinakamalapit na katunggaling si Erick San Juan na may boto lamang na 8,555.

Sa Mandaluyong City naman ay tinambakan ni dating congressman at ngayon ay tumatakbong mayor na si Neptali Gonzales (17,730) laban kay Angie Buan (7,649) as of 12:00 ng tanghali.

Sa Pasig City naman ay wala pang resulta ang eleksyon makaraang magpalabas ng utos ang Comelec na wala munang proclamation na gaganapin sa sinumang mananalong alkalde.

Mahigpit na naglalaban sa nasabing puwesto sina Vicente Eusebio at Henry Lanot. (Ulat ni Edwin Balasa)
Sa Camanava
Sa Caloocan, nangunguna pa rin si KNP-PMP mayoralty bet incumbent 1st District Congressman Enrico "Recom" Echeverri laban sa kanyang mga katunggali kung saan kumuha ito ng panibagong 28,854 votes na pumapangalawa ang nag-concede na si incumbent 2nd District Congressman Edgardy "Egay" Erice na may 19,342 votes, habang 15,481 naman ang kay Gwendolyn "Gigi" Emnace-Malonzo at pumang-apat si Macario "Boy" Asistio Jr. na nakakuha ng 14,341 boto (as of May 13, 10:30 p.m.).

Sa vice-mayor, lalong lumalaki ang bilang ng botong inaani ni Chito Abel na may nakuhang 29,436 laban sa katunggali nitong si Luis Varela na may 24,333 boto.

Sa Malabon City, malaki ang lamang ni KNP mayoral bet Canuto "Tito" Oreta na may 48,128 boto kumpara sa kalaban nitong si incumbent acting City Mayor Mark Allan Jay "Jayjay" Yambao, na may 35,656 votes habang sumusunod naman si Jeannie Sandoval na nakakuha ng 35,393 boto (as of May 13, 10:30 p.m.).

Malaking lamang naman ang ipinakitang suporta ng mga botante ng bayan ng Navotas kay incumbent Congressman Federico Sandoval, 50,592 kontra kay Cip Lacson na may 29,070 na ganoon din ang kinalabasan sa Malabon City kung saan 64,592 boto ang natanggap ni Sandoval habang 49,782 ang kay Lacson.

Nagkaroon naman ng problema sa bilangan ng pagka-alkalde ng lungsod matapos magkaroon ng kuwestiyon hinggil sa mga election returns kung kaya’t hindi muna nakapagpalabas ng partial unofficial result ang local Comelec habang dinidinig ang usapin.

Nangunguna naman sa pagka-bise alkalde si Antonio Espiritu na may 49,196 boto laban kay Rey Cuadra na nakakuha ng 24,925 votes at Bombit Bernardo, 15,827 boto. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANGIE BUAN

BOTO

CITY

COMELEC

CONGRESSMAN

INCUMBENT

MAYOR

NAMAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with