4-buwang sanggol pinugutan ng ina
May 15, 2004 | 12:00am
Halos humiwalay ang ulo sa katawan sa tindi ng pagkataga sa isang apat-na-buwang sanggol ng sarili niyang ina na nasiraan ng bait, habang nasa kritikal namang kondisyon ang kapatid at lola ng una na pinagtataga rin ng suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang sanggol na si Carl Angel Mendoza, 4-na buwang gulang, habang kritikal naman ang kapatid nitong si Rosemarie Ann Mendoza, 3; at ang lola nila na si Myrna Mendoza.
Agad namang nadakip ang suspect na ginang na nakilalang si Maricar Mendoza, 28, ng #61 Sampaloc St., Payatas, Quezon City. Ito ay nakapiit na ngayon sa Criminal Investigation Unit ng CPDC habang inihahanda na ang kaso laban dito.
Napag-alaman na dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa mismong tirahan ng pamilya Mendoza. Natutulog umano ang mga biktima nang biglang pagtatagain ng suspect na tila sinaniban ng masamang espiritu.
Nabatid na matapos maisagawa ang krimen ay lumabas ng tahanan ang suspect hawak pa ang duguang itak at tulalang naglakad sa kalye dahilan upang maaresto ito ng mga nagrorondang tanod.
Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspect na wala siya sa kanyang sarili nang isagawa niya ang krimen.
Binanggit naman ng biyenan ng suspect, na ilang araw na niyang napapansin na iba ang ikinikilos ng huli.
Gayunman, ilang kapitbahay naman nito ang nagsabing maaaring naapektuhan ito ng mahiwagang tinig na nagmumula naman sa isang balon na malapit sa kanila na naririnig tuwing kabilugan ng buwan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended