^

Metro

Ginang sugatan sa rambol

-
Nabalot ng tensyon at sindak ang ginanap na prayer vigil sa harap ng Caloocan City Hall makaraang magpang-abot ang dalawang magkalabang fraternity kung saan isang ginang ang malubhang nasugatan matapos itong tamaan ng shrapnel mula sa inihagis at sumabog na pillbox, kahapon ng madaling araw sa naturang lungsod.

Ginagamot sa Diosdado Medical Center sanhi ng malalalim na sugat sa kanang binti si Editha Joven, 47, poll watcher at residente ng Block 12, Lot 1, Phase 3, Dagat-dagatan ng nabanggit na lungsod.

Arestado naman ang isa sa mga suspect na nakilalang si Dexter Del Rosario, 23, tambay ng 10th Avenue, Caloocan City, habang pinaghahanap naman ang kasamahan nitong naghagis ng pillbox na nakilala lamang sa alyas na "Kojak".

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa harapan ng Caloocan City Hall habang ang mga poll watchers ng ibat-ibang partido ay nagsasagawa ng prayer vigil.

Nauna dito, kasalukuyang hinahabol ng pangkat ni Del Rosario kasama si "Kojak" ang kalabang fraternity nang biglang maghagis ito ng pillbox na aksidenteng ikinasugat ni Joven.

Matapos ang insidente mabilis na tumakas si "Kojak" habang si Del Rosario ay nadakip ng mga awtoridad.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang sugatang ginang. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARESTADO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

DAGAT

DEL ROSARIO

DEXTER DEL ROSARIO

DIOSDADO MEDICAL CENTER

EDITHA JOVEN

KOJAK

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with