^

Metro

2 ambush: 3 pulis patay sa Maynila

-
Tatlong pulis ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang mga nasawi na si SPO2 Eduardo Becera, nakatalaga sa Police Security and Protection Office (PSPO) sa Camp Crame; SPO2 Ricardo Roxas, 40, at PO2 Romeo Napolis, kapwa nakatalaga sa Western Police District (WPD).

Sa inisyal na ulat ng pulisya, unang tinambangan dakong alas-9 ng umaga si Becera habang naglalakad ito sa kahabaan ng Bonifacio Drive sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa mga saksi, kaswal na lumapit ang gunman na nakasuot ng pulang t-shirt kay Becera at binaril agad ang pulis ng dalawang beses sa ulo. Mabilis na tumakas ang suspect sakay ng isang motorsiklo na minamaneho pa ng isang lalaki patungong Tondo, Maynila.

Makalipas ang isang oras, isang barilan na naman ang naganap sa panulukan ng Severino Reyes at Masangkay St. sa Sta Cruz, Maynila kung saan isang abandonadong kulay maroon na Mitsubishi Adventure na may plakang WPP-412 ang natagpuan na may tama ng mga bala ng baril sa salamin.

Nakumpirma naman ng pulisya na ito ang ginamit na sasakyan ng mga suspect na bumaril at nakapatay naman sa mga pulis na sina Roxas at Napolis. Natagpuan sa loob ng inabandonang sasakyan ang tatlong M-16 baby armalite, mga bala, tatlong malalaking bag at mga boteng plastic na naglalaman ng ihi ng mga suspect tanda na matagal na naghintay ang mga ito sa loob ng van.

Isang silver at maroon na Toyota Revo na may plakang XCU-426 rin ang natagpuan sa lugar.

Nabatid sa pahayag ng mga saksi na sakay umano sa Revo van ang mga pulis na sina Roxas at Napolis kung saan inieskortan umano nila ang isang sibilyan na nag-withdraw ng pera sa isang bangko.

Tinambangan ng mga suspect ang Toyota Revo ngunit nagawang makipagbarilan ng mga lulan ditong pulis.

Nakita rin ng mga saksi ang dalawang lalaki na bumaba sa Adventure kung saan isa sa mga ito ang may tama ng bala sa paa.

Dalawa rin umano sa mga suspect ang pumara ng isang puting Mitsubishi L-300 van at saka pinasibad ito sa hindi mabatid na direksyon.

Nagpanggap naman umano ang isang sugatang suspect na naholdap siya at nakahingi pa ng mga damit sa ilang tindera. Sumakay din ito sa isang tricycle patungo sa direksyon ng Blumentritt Avenue.

Hindi naman umabot ng buhay sa Metropolitan Hospital ang pulis na si Roxas dahil sa tama ng bala sa kanyang tagiliran samantalang nasawi naman si Napolis habang ginagamot sa ospital ang pulis dahil sa sabog ang braso nito.

Isang sibilyan din umano na may suot ng backpack ang naunang isinugod rin sa pagamutan at ito ang hinihinalang sibilyang inieskortan ng dalawang pulis.

Ipinag-utos naman ni NCRPO chief Director Ricardo de Leon ang mainit na pursuit operation upang madakip at mapanagot ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BECERA

BLUMENTRITT AVENUE

CAMP CRAME

ISANG

MAYNILA

NAPOLIS

PULIS

ROXAS

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with