^

Metro

Canvassing center sa Maynila sinugod ng mga pulitiko

-
Binalot ng tensyon at kaguluhan ang ginagawang pagbibilang ng mga balota sa lungsod ng Maynila matapos na sumugod ang mga pulitiko sa canvassing center sa Ninoy Aquino Memorial Stadium dahil sa hinalang may nagaganap umanong dayaan.

Nabatid na dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang sumugod si incumbent at re-electionist Manila Vice-Mayor Danny Lacuna sa canvassing center at kinompronta nito si Supt. Ernesto Ibay, na namamahala sa seguridad sa stadium. Ayon sa mga saksi, dinuro umano ni Lacuna si Ibay at kinuwestiyon kung bakit ito ang namamahala sa peace and order gayong identified ito kay incumbent Mayor Lito Atienza.

Dakong alas-9:30 naman kahapon ng umaga nang dumating sa stadium sina dating Manila Mayor Mel Lopez, Rep. Harry Angping at Rep. Lito Lopez kasama ang kanilang mga supporters at saka sinabi sa mga canvassers na maging patas sa ginagawang pagbibilang ng balota.

Nagalit naman si Atty. Ramon Roserio, chairman ng city board of canvassers ng Comelec at sinabihan ang mga pulitiko na wala silang karapatan na pumasok sa loob ng canvassing area.

Dahil dito, hinigpitan ang seguridad sa paligid ng stadium kung saan iniba na ang pasukan at dinoble na ito. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)

vuukle comment

DANILO GARCIA

ERNESTO IBAY

GEMMA AMARGO

HARRY ANGPING

LITO LOPEZ

MANILA MAYOR MEL LOPEZ

MANILA VICE-MAYOR DANNY LACUNA

MAYOR LITO ATIENZA

NINOY AQUINO MEMORIAL STADIUM

RAMON ROSERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with