^

Metro

Empleyada ng bangko hinalay saka pinatay

-
Brutal na pinaslang ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang dalagang empleyado sa isang bangko na hinihinalang hinalay pa ng mga ito, makaraang matagpuan ang bangkay nito, kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Candise Castro, 23, empleyada ng Metrobank- Pres. Quirino Avenue Branch, Malate.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-11:30 ng umaga sa loob ng inuupahan nitong condo unit sa 11th floor ng Vellagio Tower sa Pres. Quirino Avenue.

Natagpuan ang biktima na walang saplot sa katawan, may sugat sa kanyang batok kung saan pinukpok ito ng paso ng mga salarin at saka pinasukan ng handle ng floor mop ang kanyang ari.

Nabatid na kagagaling pa lamang umano sa paliligo ang biktima kaya wala itong saplot ng salakayin ng mga salarin.

Biniberipika pa ng pulisya kung nagahasa ang biktima bago ito paslangin.

Posible rin umano na mga magnanakaw o kakilala ng biktima ang mga suspect.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BIKTIMA

BINIBERIPIKA

CANDISE CASTRO

DANILO GARCIA

MAYNILA

METROBANK

QUIRINO AVENUE

QUIRINO AVENUE BRANCH

VELLAGIO TOWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with