Angping humingi ng saklolo sa SC
May 12, 2004 | 12:00am
Humingi na nang saklolo sa Korte Suprema si Manila 3rd District Rep. Harry Angping tungkol sa disqualification at substitution case nito at sa asawa nitong si Zenaida Angping.
Sa 29 na pahinang petition for certiorari na inihain ni Atty. Sixto Brilliantes, abogado ni Angping sinabi nito na umabuso sa kanilang tungkulin ang Comelec ng hindi nito payagan ang substitution ng kandidato.
Nilinaw pa nito na ang Resolution number 6823 ng Comelec ay malinaw na paglabag sa batas matapos na hindi nito payagan na pumalit si Zenaida sa puwesto na planong muling takbuhan ni Harry sa kongreso.
Dapat din umanong baligtarin ang naging hatol ng Comelec dahil apektado ang kanilang karapatan bilang isang kandidato.
Iginiit pa ni Brilliantes na hindi naman naging pinal ang resolusyon ng Comelec na idiskuwalipika nito si Harry at hindi rin nagkaroon ng anumang promulgasyon tungkol sa kanyang diskuwalipikasyon.
Bunsod nito kung kayat hiniling ni Brilliantes sa Mataas na Hukuman na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) o status quo order upang hindi mapinsala ang kandidatura ni Zenaida. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended