^

Metro

Riot sa Pasay City Jail; 2 todas

-
Dalawang bilanggo ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan matapos mag-riot ang dalawang gang, kamakalawa ng gabi sa Pasay City Jail.

Kapwa patay na bago pa idating sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang sina Roberto Navarra, alyas Bitoy, na may kasong robbery at miyembro ng ‘Sputnik Gang’ at Roberto Santos, alyas ‘Hapon’ na sangkot naman sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at miyembro naman ng ‘Batang City Jail’.

Sina Navarra at Santos ay kapwa nagtamo ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na pagamutan si Randy Ponferada na nagtamo ng saksak sa kanyang balikat at kaliwang braso.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa nabanggit na kulungan.

Nabatid na nagkaroon ng engkuwentro ang grupo ng ‘Sputnik’ at ‘BCJ’ na nauwi sa riot. Dahil sa insidenteng ito, ipinatupad ang doble at mahigpit na seguridad sa nabanggit na bilangguan kung saan nag-deploy ng ilang kagawad ng SWAT Team.

Nagsagawa ng dialogue ang pamunuan ng Bureau of Jail Management ang Penology sa lahat ng mga mayores lalo na sa dalawang gang na kilalang magkaribal at matagal nang nag-aaway sa mga kulungan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

LORDETH BONILLA

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY JAIL

RANDY PONFERADA

ROBERTO NAVARRA

ROBERTO SANTOS

SINA NAVARRA

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with