Headquarters ng kandidato grinanada: 2 patay
May 11, 2004 | 12:00am
Nasawi ang dalawang babaeng supporters ni KNP-PMP Caloocan City Mayoralty candidate Enrico Echiverri makaraang hagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang lalaki ang kanilang headquarters, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.
Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa J. Rodriguez Hospital dakong alas-11:10 ng gabi ang mga biktima na kinilalang sina Violeta Cabigen, 38; at Joy Jandoquile, 17.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:35 ng gabi nang hagisan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na kapwa nakasakay sa isang motorsiklo ang headquarters ni Echiverri sa Phase -8A, Pgk-9 Blk 135 Lot 14 sa Bagong Silang, Caloocan City kung saan kasalukuyang natutulog ang mga biktima.
Nabatid na nagtamo ng malulubhang tama ng shrapnel buhat sa isang fragmentation grenade sa ibat ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima sanhi ng kanilang pagkasawi.
Napag-alaman na bago nangyari ang insidente, una umanong nagkaroon ng awayan sa pagitan ng mga supporters ni Echiverri patungkol sa pag-aagawan sa puwesto at deployment ng mga watchers.
Ayon sa pulisya, wala pang malinaw na teorya kung ano ang motibo ng nasabing insidente.
Gayunman,tinitingnan pa rin ang anggulong awayan sa pulitika kung kaya isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito.(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am