Holdaper nang-agaw ng baril pinatay
May 10, 2004 | 12:00am
Nabaril at namatay ang isang holdaper makaraang agawin nito ang baril ng isa sa mga pulis na nagbabantay sa kanya habang patungo sa ospital kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot si Luke Reximel Vidal, 25, ng 715 Benito St. Tondo habang nasa pangangalaga naman ng kanilang hepe ang dalawang police escort na sina PO3 Rolly Caranto at PO1 Nestor Abad.
Nabatid na dakong alas 2 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Benito St. kung saan unang hinoldap kamakalawa ng hapon ni Vidal si Aiza Arianne Migrante, 17, SK Kagawad habang naglalakad.
Nagsisigaw ang biktima hanggang sa tulungan ito ng mga barangay tanod at pagtulungang gulpihin.
Dinala sa pulisya si Vidal hanggang sa iutos kina Caranto at Abad ang pagdadala sa una sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang sumailalim sa medical exam.
Subalit hindi pa nakakalayo ang mga ito na sakay ng isang multi-cab nang agawin ni Vidal ang baril ni Abad.
Tinamaan si Vidal ng bala subalit hindi pa malaman kung sino sa dalawang pulis ang nagpaputok. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am