Kapapanganak na ina nagbigti

Nagpatiwakal kahapon ng umaga sa pamamagitan nang pagbigti ang isang kapapanganak na ina sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na si Salve Sayno, 31, X-ray technician at residente ng 2708 Legarda St. Sampaloc ay natagpuan ng kanyang asawang si Edgar dakong ala 1:05 ng madaling araw.

Nabatid na kapapanga-nak pa lamang ng biktima ng ipasya nito na tapusin na ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang nylon cord na nakatali sa hagdan ng kanilang terrace.

Ayon kay Edgar, wala naman siyang alam na problema ng kanyang asawa maliban sa idinadaing nito na hindi siya nakakatulog ng maayos sanhi ng pag-iyak ng kanilang sanggol.

Sa kabila nito, hindi naman kumbinsido ang mga awtoridad sa paliwanag ni Edgar kung kaya’t magsasagawa sila ng imbestigasyon upang malaman kung may "foul play" sa insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments