Nang-agaw ng mikropono, lalaki patay
May 10, 2004 | 12:00am
Isang 28-anyos na lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang umaawit ng "Remember Me" sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.
Patay na ng idating sa Parañaque Medical Center ang biktima na si Bobbylou Espiritu, 28, ng Simplicio Cruz Compound, Sucat Road, Brgy. San Isidro dahil sa tinamo nitong bala sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 3:10 ng madaling araw sa loob ng CMK videoke bar na matatagpuan sa naturang compound.
Nakikipag-inuman ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan nang magkayayaang umuwi ang mga ito.
Subalit papaalis na ang biktima ng bigla umano nitong narinig ang kantang "Remember Me" at inagaw ang mikropono na nasa kabilang mesa ng kustomer.
Bunga nito, pinaputukan ng sunud-sunod ng hindi pa nakikilalang suspect ang biktima at saka mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am