5 suspek sa pagpatay sa campaign manager ni Yambao kilala na
May 10, 2004 | 12:00am
Kilala na ng pulisya ang limang suspect na pumaslang kay Hernando Davalos, campaign manager at city secretary ni Acting Malabon City Mayor Mark Allan Yambao sa loob mismo ng LAKAS-CMD headquarters kamakalawa ng umaga sa nabanggit ding lungsod.
Itoy matapos na lumabas ang carthographic sketch ng limang suspect batay na rin sa testimonya at pahayag ng ilang saksi.
Gayunman, tumanggi munang ibunyag ng mga awtoridad ang pangalan ng mga ito sa pangamba na madiskaril ang kanilang operasyon.
Ayon sa pulisya, kasalukuyan nilang inaalam kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Davalos dahil ang pagpaslang dito ay paraan ng isang hired killer.
Handa naman si Conrado Meneses, 59, isa sa mga sugatan, na kumpir-mahin ang mga suspect sakaling makaharap niya ang mga ito.
Matatandaan na dakong alas 6:50 ng umaga ng bari-lin ng malapitan ng dala- wang ulit sa ulo si Davalos ng mga suspect habang ito ay natutulog sa loob mismo ng kanilang campaign headquarters sa Rizal Ave. Interior, Brgy. San Agustin, Malabon City.
Wala naman umano silang alam na kagalit ni Davalos at maging ng kanilang partido maliban sa kanilang kalaban sa eleksiyon.
Subalit naniniwala sila na walang kakayanan ang kanilang mga kalaban sa eleksiyon na gawin ang ganitong uri ng krimen.
Dahil dito, hiniling ng partido ni Yambao na dagdagan ang seguridad sa kanilang lugar lalo na nga-yong araw ng botohan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended