^

Metro

Mga huwes walang 'holiday' sa Lunes

-
Ipinag-utos ng Korte Suprema sa lahat ng mga hukom sa bansa na pumasok sa kani-kanilang mga sala sa darating na Mayo 10 kahit pa ito’y idineklara ng piyesta opisyal.

Sa isang pahinang circular na nilagdaan ni Supreme Court Administrator Presbitero Velasco Jr. dapat na pumasok sa kanilang mga trabaho ang mga huwes upang harapin ang kanilang mga kasong hinahawakan. Kasama sa mga inatasang pumasok ay ang lahat ng executive judges, mga judges at clerk of courts sa mga Regional Trial Courts (RTC), Metropolitan Trial Court (MTC) at Municipal at Circuit Courts sa buong bansa.

Inatasan din ni Velasco ang mga nasabing huwes na resolbahin ang mga election related cases na kanilang hawak at hahawakan. Habang ang mga clerk of courts naman ay inatasan din na pumasok upang mangolekta ng mga court fees at magsisilbi din ang ilang staff ng mga ito para sa kanilang skeletal forces. (Ulat ni Grace dela Cruz)

CIRCUIT COURTS

CRUZ

HABANG

INATASAN

IPINAG

KORTE SUPREMA

METROPOLITAN TRIAL COURT

REGIONAL TRIAL COURTS

SUPREME COURT ADMINISTRATOR PRESBITERO VELASCO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with