China Bank sa Valenzuela hinoldap
May 8, 2004 | 12:00am
Hinoldap ng anim na kalalakihan na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang isang sangay ng China Bank, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Dakong alas-8:45 ng umaga nang pasukin ng mga suspect na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang China Bank na nasa kanto ng Mc Arthur at Cordero St., Marulas sa nasabing lungsod.
Ayon kay Eljun Relaniza, sekyu sa bangko na kasalukuyan umanong pasukan ng mga empleyado ng kumatok ang isa sa mga suspect na nakasuot ng uniporme ng kanilang security agency.
Nang buksan ng guwardiya ang pinto ay agad siyang tinutukan ng baril ng mga suspect at iginapos siya ng mga ito.
Hinintay pa umano ng mga suspect na makapasok ang ilang empleyado bago nilimas ang mga gamit ng mga ito at agad na kinuha ang susi sa vault ng bangko.
Nilimas ang lahat ng pera sa kaha-de-yero bago nagsitakas lulan ng isang Toyota Hi-Ace na kulay berde at walang plaka.
Sinasabing may apat pang mga suspect na nagsilbing look-out sa labas ng bangko. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended