Mayor SB, Herbert inendorso ng INC sa QC
May 8, 2004 | 12:00am
Sina Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. at Vice Mayor Herbert Bautista, kasama ang tatlo sa kanilang congressional candidates ang siyang inendorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) para dalhin sa eleksyon sa Mayo 10 sa lungsod.
Bukod kina Belmonte at Bautista, tumanggap din ng blessing sa INC ang tatlong congressional candidates na sina Berna Romulo Puyat para sa 1st district, lawyer Mat Defensor sa 3rd district at Nanette Castelo-Daza para sa 4th district.
Dahil dito, naniniwala ang mga political observers na lalong lalaki ang agwat ng panalo nina Belmonte at Bautista sa kanilang mga katunggali.
Lumalabas sa resulta ng isinagawang poll survey ng independent organization na si Mayor Belmonte ay nakakuha ng 74 percent na boto, habang ang katunggali nitong si dating Mayor Mel Mathay ay nakakuha lang ng 19 percent.
Bukod sa suporta ng Iglesia nangako rin ng suporta kina Belmonte ang ibat ibang transport, Muslim groups, isama pa ang may 10,000 strong City Hall employees at barangay leaders. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended